Changes

Line 35: Line 35:     
Ang pagbabago ng klima, pagkawala ng biodiversity, pagkasira ng lupa, at polusyon sa hangin at tubig ay magkakaugnay. Ang kalidad ng buhay ng mga taong naninirahan sa lahat ng bahagi ng mundo, at ang mga posibilidad para sa kasalukuyan at hinaharap na henerasyon ay nakasalalay sa aksyon na isinagawa ngayon upang matugunan ang mga isyung ito. Ang paglipat sa renewable energy system , ang pangangalaga at pagpapanumbalik ng mga ecosystem at paghanap ng bago at mas mahusay na paraan upang maging angko sa daloyng ugnayang pangkalikasan ay magiging napakahalagang mga hakbangin sa mga darating na taon. Sa isang kamakailang survey, natagpuan na ang karamihan ng mga tao sa lahat ng mga rehiyon ng mundo ay sumusuporta sa pagkilos sa pagbabago ng klima, kahit na ang COVID-19 pandemya ay patuloy na nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay.
 
 +
 +
=== Pangunahing mga puntos: ===
 +
 +
* Ang mga gawain ng tao, tulad ng pagsunog ng mga fossil fuel, ay nagdudulot ng pagtaas ng temperatura o pag-init ng mundo. Ang pagtaas ng pandaigdigang temperatura ay nakakaapekto sa ating klima at pabago-bagong panahon na hindi na maibabalik - ngunit ang ilan sa mga pinakamalalang mangyayari sa hinaharap ay maaring maiwasan, nakabatay sa mga pagkilos na ginagawa  sa kasalukuyan.
 +
* Dahil sa polusyon, pagbabago ng klima, pagwasak ng tao sa kalikasan at pagsasamantala, isang milyong kaurian ng mga halaman at hayop na ang nanganganib na mawala ngayon.
 +
* Ang pagbabago ng klima at pagkawala ng samu’t saring buhay ay nagdudulot ng banta sa siguridad ng pagkain, tubig at kalusugan ng tao.
 +
 +
Ang pagbabago ng klima ay kadalasang dulot ng dumarami at labis na greenhouse gas sa ating kapaligiran at kalawakan. Ang Carbon dioxide (CO2), ang pinakamahalgang human-produced greenhouse gas, na sinusunog ng tao ay ang fossil fuel para sa enerhiya at transportasyon, at kapag ang mga kagubatan ay patuloy na winawasak. Sa nagdaang dalawang siglo, naging sanhi ito ng pag-init ng planeta ng 1.2 degree Celsius (° C) o 2.16 degree Fahrenheit (° F). Natuklasan ng mga dalubhasa na ang pag-init ng mundo ng 2°C (3.6 ° F) ay malalampasan sa ika-21 siglo, maliban kung may mga makabuluhang pagbawas sa carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gas emissions sa mga darating na dekada. Bagaman hindi ito mukhang malaki, nangangahulugan ito ng pagkawala ng buhay at kabuhayan ng ilang daang milyong katao.
 +
 +
Ang pagtaas ng temperatura ay nangangahulugan na ang mundo ay nakakaranas na ng mas madalas at matinding heat waves, pagkasunog ng kagubatan at paghina ng ani. Nangangahulugan din ito ng paghaba ng tag-ulan at tag-init sa iba’t ibang bahagi ng mundo na humahantong sa tagtuyot at tagbaha.
 +
 +
Ang mga gawain ng tao sa mundo ay nagdudulot ng masamang epekto sa mga halaman, hayop, fungi at microorganism. Ang resulta ng polusyon, pagbabago ng klima, pagkawasak ng mga natural na tirahan at pagsasamantala ng tao sa kalikasan, sa ngayon ay isang milyon mula sa walong milyong mga species o kaurian ng mga halaman at hayop ng mundo ay nanganganib ng mawala.
 +
 +
Ang kakulangan sa diversity ng mga samu’t saring buhay ay nagdudulot ng paghina ng ekosistema, na nagiging sanhi ng pagkakasakit ng mga samu’t saring buhay dahil sa matinding panahon at nagiging dahilan ng kawalan ng kakayahang makapagbigay para sa mga pangangailangan ng tao.
 +
 +
==== Ang pagkawala ng samut saring buhay ay hindi gaanong matindi sa lupa na pinamamahalaan ng mga katutubong pamayanan ====
 +
Karamihan sa samut saring buhay ng mundo ay umiiral sa tradisyunal at mga lupang ninuno ng mga katutubo. Ang mga katutubong kultura ay pinamamahalaan  na naayon sa kalikasan sa loob ng libu-libong taon, at nagtataglay ng mahahalagang kaalaman para sa pagpapanumbalik ng mga ekosistema at paglinang ng samut-saring buhay. Gayunpaman, ang mahabang kasaysayan ng  kolonisasyon at marginalisasyon ay nangangahulugang marami sa mga pamayanan na ito ang napilitang iwanan ang kanilang mga kabuhayan at mga lupang ninuno, o naging mga climate refugee dahil sa mga kalamidad na nauugnay sa pagbabago ng klima. At dahil dito,nanganganib din ang kanilang mga natatanging kultura, sistema ng kaalaman, wika at pagkakakilanlan.
    
== 1. Ano and Krisis sa Klima? ==
 
== 1. Ano and Krisis sa Klima? ==
Community-Host
28

edits

MediaWiki spam blocked by CleanTalk.