Community:Information Booklet Tagalog

From Global Assembly Wiki
Revision as of 09:10, 28 October 2021 by MRMLEGAL (talk | contribs) (→‎Buod)
Jump to navigation Jump to search

Panimula

Ang Global Assembly ay isang pagtitipon ng mga tao mula sa buong mundo upang talakayin ang klima at krisis sa ekolohiya.

Ano ang citizens’ assembly?

Ang  citizens’ assembly ay isang pangkat ng mga tao mula sa iba`t ibang antas ng pamumuhay, na nagsasama-sama upang mapag-usapan ang posibleng pagkilos, gumawa ng mga panukala sa mga pamahalaan at bumuo ng mga ideya upang mapalakas ang adhikain sa pagbabago. Ang mga miyembro ng pagpupulong ng isang citizens’ assembly ay kumakatawan sa isang maliit na bersyon ng lugar na pinag-uusapan tulad ng isang bansa o lungsod, o sa kasong ito ang mundo), batay sa pamantayan sa demograpiko tulad ng antas ng kasarian, edad, kita at edukasyon.

Ano ang Global Assembly?

Ang 2021 Global Assembly ay binubuo ng: isang daang (100) tao na binubuo ng mga lokal na Core Citizens' Assembly; mga lokal na Community Assemblies na maaaring bahagi ang sinuman saanman; na may mga gawaing pangkultura upang mahimok ang mas maraming tao.

Sa taong ito, magkakaroon ng dalawang pangunahing kumperensya ng United Nations ng mga pinuno ng mundo: ang Conference of the Parties on climate change (COP 26) at ang Biodiversity Conference (COP15). Bago ang negosasyong ito ng COP, pinagsasama-sama ng Core Assembly ang isang pangkat ng 100 katao, na kumakatawan sa isang snapshot ng populasyon ng planeta upang malaman ang tungkol sa klima at krisis sa ekolohiya, upang mapag-usapan at ibahagi ang kanilang mga pangunahing mensahe na ipapakita sa COP26 sa Glasgow ngayong Nobyembre 2021. Sa taong ito, tatalakayin ng Global Assembly ang sumusunod na katanungan: "Paano matutugunan ng sangkatauhan ang klima at krisis sa ekolohiya sa isang patas at mabisang paraan?"

Pagpapakilala sa learning materials

Ang information booklet na ito ay bahagi ng isang serye ng mga mapagkukunan na susuporta sa yugto ng pag-aaral at deliberasyon ng Global Assembly. Ang layunin ng mga materyales sa pag-aaral na ito ay upang magbigay ng impormasyon at data upang makabuo ka ng iyong sariling mga opinyon sa klima at krisis sa ekolohiya.

Hangad namin na ang dokumentong ito ay simula sa patuloy na paglatag ng pagtatanong na susundan mo para sa mga darating na taon; at hinihimok ka naming hamunin ang anumang mga nilalaman nito at dalhin ang mga katanungang iyon o konklusyon sa Global Assembly.

Ang krisis sa klima at ekolohiya ay isang komplikadong paksa at resulta ng maraming konektadong historikal, sosyal, ekonomikal, at politikal na mga kadahilanan. Kahit na ito ay mukhang napaka-modernong problema, umuugat ito sa maraming henerasyon na bumabalik ng dalawang siglo.

Itong booklet na ito ay isang introduksyon sa mga pinaka-importanteng tema sa krisis ng klima at ekolohiya. Para magawa ang mga materyales na ito, isang komite ng mga eksperto ay nagsama-sama upang magbigay kontribusyon mula sa kanilang kaalaman at karunungan. Ang mga detalye ng proseso sa paggawa ng booklet na ito ay makikita sa website ng Global Assembly.

Maraming mga pamamaraan para makita ang krisis ng klima at ekolohiya, at ginawa namin ang aming makakaya upang makapagbigay ng imahe sa mga pinaka-lutang na tema, katotohanan at pigura sa paraang maikli at madaling basahin.

Hindi niyo kailangan basahin ang booklet na ito sa isang upuan. Nilalayon nitong maging isang basehan at gabay, at umaasa kaming magiging kapaki-pakinabang ito sa inyong pakikipag-ugnayan sa Global Assembly, para suportahan kayo sa inyong pag-aaral at pakikipag-talakayan sa krisis ng klima at ekolohiya.

Kasama sa impormasyon sa booklet na ito, may mga karagdagang mapagkukunan ng impormasyon tulad ng bidyo, mga presentasyon, mga gawaing artistiko, at mga patotoo ng mga tao sa Global Assembly website. Ang pagsasa-konteksto ng booklet na ito at ang pagsasalin nito sa iba pang mga lenggwahe ay makikita sa Global Assembly wiki.  

Ang mga karagdagang ibig sabihin ng mga salitang naka-bold ay makikita sa talaan ng nilalaman sa dulo ng booklet. Sa kabuuan ng booklet na ito, ibibigay ang temperatura gamit ang Celsius (°C). Pumunta na lang sa talaan ng nilalaman section para sa katumbas nito sa Fahrenheit (°F).

Buod

Ano ang magiging kalagayan ng mundo sa taong 2050?

Ang bawat bata na ipinanganak ngayon ay haharapin ang mga kahihinatnan ng pagbabago ng klima at pagkasira ng kalikasan na sanhi ng tao. Hindi na ito katanungan ng 'kung', kundi “kung gaano na kalaki”. Ang lawak ng kung gaano maaapektuhan ang mga taong nabubuhay ngayon at ang mga sumusunod na henerasyon ay nakasalalay sa kung ano ang gagawin natin ngayon. Bagaman ang pag-init at pagkawala ng samu’t saring buhay ay tanggap na nating mangyayari sa hinaharap, may oras pa upang limitahan ang karagdagang mga pagbabago sa klima at pagkawala ng samu’t saring buhay, at maiwasan ang pinakamasaklap na posibleng epekto ng klima at krisis sa ekolohiya.

Ang mga sanhi ng klima at krisis sa ekolohiya na ito ay nakaugat sa kasaysayan, at maaaring maiugnay sa mga pananaw sa mundo na humubog sa paraan ng pagpapatakbo ng maraming lipunan ngayon. Ang mga tao ay bahagi ng kalikasan at lubos na umaasa sa kalikasan upang mabuhay.

Ang pagbabago ng klima, pagkawala ng biodiversity, pagkasira ng lupa, at polusyon sa hangin at tubig ay magkakaugnay. Ang kalidad ng buhay ng mga taong naninirahan sa lahat ng bahagi ng mundo, at ang mga posibilidad para sa kasalukuyan at hinaharap na henerasyon ay nakasalalay sa aksyon na isinagawa ngayon upang matugunan ang mga isyung ito. Ang paglipat sa renewable energy system , ang pangangalaga at pagpapanumbalik ng mga ecosystem at paghanap ng bago at mas mahusay na paraan upang maging angko sa daloyng ugnayang pangkalikasan ay magiging napakahalagang mga hakbangin sa mga darating na taon. Sa isang kamakailang survey, natagpuan na ang karamihan ng mga tao sa lahat ng mga rehiyon ng mundo ay sumusuporta sa pagkilos sa pagbabago ng klima, kahit na ang COVID-19 pandemya ay patuloy na nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay.

Pangunahing mga puntos:

  • Ang mga gawain ng tao, tulad ng pagsunog ng mga fossil fuel, ay nagdudulot ng pagtaas ng temperatura o pag-init ng mundo. Ang pagtaas ng pandaigdigang temperatura ay nakakaapekto sa ating klima at pabago-bagong panahon na hindi na maibabalik - ngunit ang ilan sa mga pinakamalalang mangyayari sa hinaharap ay maaring maiwasan, nakabatay sa mga pagkilos na ginagawa  sa kasalukuyan.
  • Dahil sa polusyon, pagbabago ng klima, pagwasak ng tao sa kalikasan at pagsasamantala, isang milyong kaurian ng mga halaman at hayop na ang nanganganib na mawala ngayon.
  • Ang pagbabago ng klima at pagkawala ng samu’t saring buhay ay nagdudulot ng banta sa siguridad ng pagkain, tubig at kalusugan ng tao.

Ang pagbabago ng klima ay kadalasang dulot ng dumarami at labis na greenhouse gas sa ating kapaligiran at kalawakan. Ang Carbon dioxide (CO2), ang pinakamahalgang human-produced greenhouse gas, na sinusunog ng tao ay ang fossil fuel para sa enerhiya at transportasyon, at kapag ang mga kagubatan ay patuloy na winawasak. Sa nagdaang dalawang siglo, naging sanhi ito ng pag-init ng planeta ng 1.2 degree Celsius (° C) o 2.16 degree Fahrenheit (° F). Natuklasan ng mga dalubhasa na ang pag-init ng mundo ng 2°C (3.6 ° F) ay malalampasan sa ika-21 siglo, maliban kung may mga makabuluhang pagbawas sa carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gas emissions sa mga darating na dekada. Bagaman hindi ito mukhang malaki, nangangahulugan ito ng pagkawala ng buhay at kabuhayan ng ilang daang milyong katao.

Ang pagtaas ng temperatura ay nangangahulugan na ang mundo ay nakakaranas na ng mas madalas at matinding heat waves, pagkasunog ng kagubatan at paghina ng ani. Nangangahulugan din ito ng paghaba ng tag-ulan at tag-init sa iba’t ibang bahagi ng mundo na humahantong sa tagtuyot at tagbaha.

Ang mga gawain ng tao sa mundo ay nagdudulot ng masamang epekto sa mga halaman, hayop, fungi at microorganism. Ang resulta ng polusyon, pagbabago ng klima, pagkawasak ng mga natural na tirahan at pagsasamantala ng tao sa kalikasan, sa ngayon ay isang milyon mula sa walong milyong mga species o kaurian ng mga halaman at hayop ng mundo ay nanganganib ng mawala.

Ang kakulangan sa diversity ng mga samu’t saring buhay ay nagdudulot ng paghina ng ekosistema, na nagiging sanhi ng pagkakasakit ng mga samu’t saring buhay dahil sa matinding panahon at nagiging dahilan ng kawalan ng kakayahang makapagbigay para sa mga pangangailangan ng tao.

Ang pagkawala ng samut saring buhay ay hindi gaanong matindi sa lupa na pinamamahalaan ng mga katutubong pamayanan

Karamihan sa samut saring buhay ng mundo ay umiiral sa tradisyunal at mga lupang ninuno ng mga katutubo. Ang mga katutubong kultura ay pinamamahalaan  na naayon sa kalikasan sa loob ng libu-libong taon, at nagtataglay ng mahahalagang kaalaman para sa pagpapanumbalik ng mga ekosistema at paglinang ng samut-saring buhay. Gayunpaman, ang mahabang kasaysayan ng  kolonisasyon at marginalisasyon ay nangangahulugang marami sa mga pamayanan na ito ang napilitang iwanan ang kanilang mga kabuhayan at mga lupang ninuno, o naging mga climate refugee dahil sa mga kalamidad na nauugnay sa pagbabago ng klima. At dahil dito,nanganganib din ang kanilang mga natatanging kultura, sistema ng kaalaman, wika at pagkakakilanlan.

1. Ano and Krisis sa Klima?

2. Ano ang krisis sa ekolohiya?

3. Bakit tayo nasa isang klima at krisis sa ekolohiya?

4. Mga negosasyong pandaigdigan

5. Ano ang epekto ng pagbabago ng klima at krisis sa ekolohiya sa...

...kalusugan ng tao at kabuhayan?